Bakit nga ba tayo nagagalit sa mga taong nangloloko?
tayo ba ay tapat sa mga sarili natin?
Bakit ang lakas ng loob nating napagsisigawan na hindi tama ang ginagawa nila eh tayo rin naman, sa ganung paraan ay nagiging mapanghusga diba?
Iyang mga pulitiko, bakit ang dumi ng tingin natin sa kanila?
Inisip ba natin kahit minsan na siguro naman, kahit papano, hindi lahat ay corrupt! Meron naman siguro dyan, hindi man silang lahat, pero meron parin kahit konti lang na gumagawa ng trabaho nila ng tapat at hindi nagnanakaw sa taong bayan. kailangan ba na ang pagkakamali ng iba noon ay makaapekto sa mga taong sumunod sa pwesto nila?
Hindi ba tayo nanghuhusga?
Ang mga nasa bilangguan.
Sigurado ba tayong lahat sila ay kriminal?
Bakit kapag may nakakasalamuho tayong kalalabas lang ng bilibid, natatakot tayo at nagiisip agad ng masama? Diba may mga taong gumagawa ng hindi dapat dahil wala na silang iba pang paraan na maisip para sa mga taong mahahalaga sa kanila? Hindi lahat ng taong gumawa ng krimen ay kriminal. Hindi lahat ng nakulong dahil sa pagnanakaw ay magnanakaw ulit. Sa pagkakaalam ko, ang mga ex-con ay takot makulong ulit hindi ba? Hindi naman siguro lahat ng nakalaya ay nanaisin ulit bumalik sa bilangguan..
Ang mga muslim.
Dahil ba sa may angking tapang sila ay dapat ba ikonsidera silang terorista?
Sa totoo lang, hindi ako makapaniwala na dapat pala itong isama dito pero nakakabahala ang sistemang ito. Marami tayong mga kababayang muslim sa Quiapo Manila, isang community sila doon. Pero marami ding ibang tao dun; may mga empleyado, estudyante, mga barker, fx at jeepney drivers, mga nagtitinda at kung anu-ano pa. Pero marami sa kanila ay pareho sa isang bagay, ang tingin nila sa ating mga kababayang muslim.
Bakit ganun sila? Bakit ang baba nila makatingin sa ibang tao? Magkakapantay lang naman tayo pagdating sa batas at karapatan. Dahil ba muslim ang pangunahing relihiyon sa mga bansang may gera sa kasalukuyan ay kasalanan na ito ng lahat ng muslim? Sisihin din ba natin ang mga KABABAYAN nating muslim sa pagsabog at pagbagsak ng twin towers sa America noong Sept 11, 2001? Masyado naman natin ata nilalahat.. bakit hindi natin isipin na may mga anak sila, asawa at mga magulang na katulad natin ay, gusto lang mabuhay ng matiwasay? Pano kung ang ilang mga taon mula ngayon nagka apo ka at lumipat ito ng paniniwala kay Allah? ..
Sa mga nasaktan dahil sa pag ibig.
Bakit ba tayo galit sa kanila?
Dahil ba naloko tayo o dahil iniwan tayo at nasaktan ng ganito?
Iniisip ba natin yung saya na nadama natin sa piling nila bago tayo nasaktan? Nag aksaya ba tayong intindihin kung bakit nila nagawa iyon sa atin? Sigurado ba tayong hindi tayo nag kulang? Kampante ka ba na hindi mo sya nasaktan, noon pa man o kahit bago kayo maghiwalay?
Imposibleng walang dahilan bakit nangyari to. May pinagmulan ang lahat ng sugat,may dahilan ang lahat ng bagay at may rason kung bat ganyan siya.
alam natin kung sino tayo, alam natin kung ano tayo at alam natin kung tama tayo o hindi.
binigyan tayo ng utak para gamitin sa lahat ng oras.